An-an

Tinea versicolor
EspesyalidadInfectious diseases, dermatology, parasitolohiya Edit this on Wikidata

Ang an-an (Ingles: mga whitespot; mga pangalang medikal: Tinea versicolor, Dermatomycosis furfuracea,[1] Pityriasis versicolor,[1] at Tinea flava)[1]) ay isang uri ng sakit sa balat na lumilitaw dahil sa impeksiyong dulot ng mga fungus.[2]

Mga katangian

Karaniwang lumilitaw sa mga bata at sa mga matatandang tao, partikular na ang may edad na 15 hanggang 24 (panahon kung kailan masigla ang mga glandulang sebasyoso ng balat), ang an-an ay ang maliliit na mga patse ng balat na puti ang kulay, na may mabilog na hugis. Lumilitaw ang mga ito sa mukha, balikat, dibdib, tiyan, at paa. Ang mga patse ng balat ay maaaring mayroong pangangati.[2]

Lunas

Kailangan ang tulong ng isang dermatologo o ng isang espesyalista sa balat upang matiyak na ang isang tao ay mayroong an-an at upang magamot ang sakit sa balat na ito. Karaniwang ginagamit sa paggamot ng an-an ang anti-fungal cream (kremang panlaban sa halamang-singaw), katulad ng Ketoconazole, Clotrimazole, Terbinafine, at mga gamot na iniimon.[2]

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 1.2 Rapini, Ronald P.; Bolognia, Jean L.; Jorizzo, Joseph L. (2007). Dermatology: 2-Volume Set. St. Louis: Mosby. pp. Kabanata 76. ISBN 1-4160-2999-0.{{cite book}}: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 AN-AN ([1]), KALUSUGAN PH