Alma Bella

Alma Bella
Kapanganakan13 Marso 1910(1910-03-13)
Batangas, Pilipinas
Kamatayan11 Mayo 2012(2012-05-11) (edad 103)[1]
New York, Estados Unidos

Si Alma Bella ay isang aristang Pilipino noong panahon ng mga pelikulang tahimik. Gumanap siya sa pelikulang tahimik na Sa Pinto ng Langit.

Lumabas din siya sa mga katatakutang pelikula katulad ng Satanas at Ulong Inasnan na pawang mga pelikula noong 1932. Ang ilan pa sa mga pelikulang tahimik na kanyang nilabasan ay ang Ang Mga Ulila at ang unang may-salita naman sa Ang Punyal na Ginto.

Lumipat siya sa Filippine Pictures at gumawa ng tatlong pelikula doon: ang Ang Batang Tulisan, Dugong Hinugasan at Biyaya ni Bathala. Sa Del Monte Pictures, nakagawa naman siya ng dalawa: ang Pighati at ang Inang Pulot kung saan ang huli niyang pelikula bago ang magkadigma.

Taong 1948 nang magbalik si Bella sa pelikula. Gumanap siya sa pelikulang 4 na Dalangin ng Luis Nolasco Pictures. Ang kanyang huling pelikula ay ang Irog, Paalam ng Benito Bros.

Pelikula

Sanggunian

  1. "Alma Bella (1910 - 2012) - Find A Grave Memorial". Findagrave.com. Nakuha noong 2012-06-24.