Aleppo Codex

Closeup of Aleppo Codex, Joshua 1:1
Page from Aleppo Codex, Deuteronomy

Ang Aleppo Codex (Hebreo: כֶּתֶר אֲרָם צוֹבָאKeter Aram Tzova) ay isang mediebal na nakataling manuskrito ng Bibliyang Hebreo. Ang codex ay isinulat noong ika-10 siglo CE. [1] Ito ay matagal nang itinuturing na pinaka-autoritatibong dokumentosa masorah ("pagpasa") na tradisyon kung saan iniingatan ang mga kasulatang Hebreo sa bawat henerasyon.[2] Ang mga nakaligtas na halimbawa ng panitikang responsa ay nagpapakitang ang Aleppo Codex ay pinagdulugan ng mga malalayong skolar sa buong mga Gitnang Panahon. Ang mga modernong pag-aaral ay nagpapakita ritong ang pinaka-tumpak na representasyon ng mga prinsipyong Masoretiko sa mga umiiral na manuskrito na naglalaman ng napaka-kaunting mga kamalian na tinatayang mga 2.7 milyong detalyeng ortograpiko [3] na bumubo ng tekstong Masoretiko. Dahil dito, nakikita ng maraming mga skolar ang Aleppo Codex na pinaka-autoritatibong kinatawan ng tradisyong Masoretiko sa parehong letra-teksto at bokalisasyon(niqqud at kantilasyon) nito. Gayunpaman, ang karamihan ng seksiyong Torah at maraming mga ibang bahagi ng teksto ay nawala na.

Mga sanggunian

  1. "Fragment of ancient parchment given to Jewish scholars". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-07-07. Nakuha noong 2013-05-24.
  2. M. H. Goshen-Gottstein, "The Aleppo Codex and the Rise of the Massoretic Bible Text" The Biblical Archaeologist 42.3 (Summer 1979), pp. 145-163.
  3. The numerical estimate is based on the sums compiled in this chart as part of the Westminster Leningrad Codex. An "error" is usually a conflict between a manuscript's letter-text and its masoretic notations.