Ai Takahashi |
---|
|
Kapanganakan | 14 Setyembre 1986[1]
|
---|
Mamamayan | Hapon |
---|
Trabaho | artista, modelo, mang-aawit |
---|
Asawa | Koji Abe |
---|
Si Ai Takahashi (高橋愛 Takahashi Ai; ipinanganak noong 14 Setyembre 1986 sa Prepektura ng Fukui ng bansang Hapon) ay isang Hapones na mang-aawit na kasama sa kompanyang Hello! Project, mas kilala bilang miyembro ng grupong Morning Musume at ng Minimoni, isang subgroup sa ilalim ng Morning Musume. Isa siya sa mga miyembro na may natatanging boses.
Karera
Sumali si Ai sa grupong Morning Musume sa taong 2001 bilang bahagi ng panglimang henerasyon ng grupo, kasama sina Makoto Ogawa, Asami Konno, at Risa Niigaki. Ang kanyang kaunaunahang pagpapakilala sa lipunan kasama ang grupo ay nasa kanilang single na "Mr. Moonlight ~Ai no BIG BAND~." Ang kanyang papakita sa lipunan ay nangyari noong inilabas ang kanilang pang-apat na album, "4th Ikimashoi!." Ang kanyang unang pagpapakita sa H!P Summer Shuffles ay nangyari noong 2002 sa grupong Happy 7.
Taong 2003, pinalitan niya si Mari Yaguchi sa subgroup na Minimoni, kung saan siya unang lumabas bilang isang miyembro ng grupo sa pelikulang MiniMoni ja Movie: Okashi na Daibouken! at sa kasamang awitin nito. Ang kanyang kilalang palayaw na "Takitty" ay nakuha sa pelikula kung saan siya ay nagsuot ng isang pampusang kasuotan, o catsuit.
Sa taong rin yong, ang grupong Morning Musume ay hinati sa dalawang grupo (hindi subgroup). Siya ay inilagay sa Morning Musume Sakuragumi, kung saan siya umawit ng mababagal na awitin tulad ng mga awiting "Sakura Mankai" at "Hare Ame Nochi Suki". Siya rin ay inilagay sa shuffle group na 7 AIR, isang grupo na binubuo ng pitong babae na umawit ng mga awiting R&B.
Ang kanyang boses ay naging mas kilala sa pangalawa at huling album ng Minimoni na "MiniMoni Songs 2" at sa pangdalamput-dalawa na single ng Morning Musume na "Roman ~MY DEAR BOY~." Siya ay nagkaroon ng duet kasama si Tsunku sa kanyang bersiyon ng kantang "Love ~Since 1999~" sa album ni Tsunku na TAKE1.
Sa taong 2005, sa unang single ng Morning Musume para sa taong iyon, "THE MANPOWER!!!," inilagay siya at si Hitomi Yoshizawa sa harapan upang pangunahan ang awitin. Sa taong ring yon, inilagay siya sa shuffle group na Elegies, kasama ang ka-miyembrong si Reina Tanaka, Ayumi Shibata ng grupong Melon Kinebi, at Mai Satoda ng grupong Country Musume.
Filmograpiya
Palabas sa telebisyon
Pelikula
Pahayagan
Mga photobook
Kiwi panglabas
- ↑ Internet Movie Database (sa wikang Ingles), nm1377596, Wikidata Q37312, nakuha noong 10 Enero 2016