Ang absorpsiyon ng gas ay ang paglipat ng isang soluble vapor mula sa gas papunta sa liquid. Isang halimbawa ay ang absorption ng ammonia mula sa hangin gamit ang tubig bilang absorbent. Isang karaniwang kagamitan para sa prosesong ito ay ang packed tower. Ang packed tower ay binubuo ng isang cylindrical tower na puno ng tower packing, at may nakakabit na pasukan ng gas at distributing space sa ilalim, isang papasukan ng liquid at distributor sa taas, at labasan ng gas sa taas at ng liquid sa baba. Ang packing support ay karaniwang grooved screen na may malaking open area para hindi mabaha ang suporta.
Ang gas na may halong soluble vapor ay papasok sa packing tower at sa distributing space sa ilalim ng packing. Dadaloy ito pataas, at dadaan ito sa packing. Sa kabila naman, ang liquid ay papasok mula sa taas ng tower, at dadaloy pababa sa pamamagitan ng gravity. Sa ganitong paraan ay magkakaroon ng countercurrent na daloy sa dalawang phase. Ang packing ang nagbibigay ng malaking area of contact, kaya naman mas maganda ang contact ng dalawang phase. Sa packing, ang gas na may halong vapor ay ina-absorb ng liquid, at habang dumadaloy pababa ang liquid, kinukuha niya ang espasyo ng gas para umangat, kaya nagkakaroon ng pressure drop, na binubuo ng skin friction at form drag. Ang gas na natanggalan ng vapor ay aalis sa taas, at ang liquid na ngayo’y may halo na ay lalabas sa ilalim ng tower.
Antas ng absorpsiyon ng gas sa Packed Towers
Ang isang tower ay dinidisenyo sa kung ano ang klase ng gas at liquid, at ang ratio ng isa sa isa pa. Kaya naman ang taas at volume ng packing ay nakadepende sa laki ng ginustong concentration changes at sa bilis ng mass transfer sa bawat yunit ng packed volume. At dahil dito, ang kalkulasyon ng taas ng tower ay nakadepende sa material and enthalpy balances, at sa pagtantya ng driving force at mass transfer coefficients.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.