Ang Abenida F.P. Felix (Ingles: F.P. Felix Avenue), na kilala rin bilang Abenida Imelda (Ingles: Imelda Avenue), ay isang pang-apatan na pangunahing daan na nag-uugnay ng Lansangang Marikina–Infanta (o Lansangang Marcos) sa Karugtong ng Abenida Ortigas. Isa ito sa mga pinaka-abalang daan sa bayan ng Cainta sa lalawigan ng Rizal. Nagsisilbi rin itong hangganan ng Cainta at Pasig. Ipinangalan ang daan mula kay Francisco P. Felix, isang dating alkalde ng Cainta, at Imelda Marcos, ang asawa ni dating Pangulong Ferdinand Marcos at dating Unang Ginang.
Mga sanggunian