Ang abad ay ang pinuno o ulo ng isang monasteryo. Isa itong pamagat para sa isang lalaki, na ginagamit sa sari-saring mga tradisyon na kabilang ang Kristiyanismo. Katumbas ito ng abadesa kung babae. Sa Griyegong Ortodoksong Simbahan, tinatawag itong arkimandrito (mula sa Ingles na archimandrite) kung lalaki, partikular na ang klerikong (o klerigo) mas mababa ang ranggo kaysa sa obispo; na nagiging arkimandrita naman kapag sa babae ginamit.[1]. Nangangahulugan ang abad ng "ama". Maaari ring ibang ang tungkulin bilang isang parangal na titulo para sa isang klerikong hindi naman talaga pinuno ng isang monasteryo.
Mga sanggunian
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.