Si Ogedei Khan ang ikatlong anak ni Genghis Khan. Siya ang pumalit sa trono ng kanyang ama at nagpatuloy sa pagpapalawak sa Imperyong Mongol. Hinati din naman ang kanyang Imperyo sa kanyang mga anak na lalaki. Ang kanlurang bahagi ay napunta kay Jochi (namatay noon 1226 at nahati ito sa Bughaw na Horde at Puting Horde), ang gitnang Asya ay napunta kay Chagatai Khan, at ang lupain ng mga Mongol ay napunta kay Tolui na naging rehente rin ng Imperyo bago si Ogedei ang mahirang.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.