École Polytechnique

Aerial view ng École polytechnique campus.

Ang École Polytechnique (Pagbigkas sa Pranses: [ekɔl pɔlitɛknik]; na kilala rin bilang EP o X) ay isang Pranses na pampublikong institusyon ng mas mataas na edukasyon at pananaliksik sa Palaiseau, isang suburbo sa timog-kanluran ng Paris. Ito ay isa sa pinakaprestihiyosong grandes écoles ng Pransiya, at kilala sa programang pandigri nitong polytechnicien.

Ang Polytechnique ay nakikibahagi sa ilang mga pakikipagsosyo upang mapabuti ang kanyang pandaigdigang prestihiyo. Ito ay isang tagapagtatag na miyembro ng ParisTech, isang pagpapangkat ng mga nangungunang kolehiyo sa inhinyeriya sa rehiyon ng Paris na itinatag noong 2007. noong 2014, ito rin ay naging isang tagapagtatag na miyembro ng konfederal na Unibersidad ng Paris-Saclay. Kabilang sa mga nagtapos ay tatlong nanalo ng Nobel prize, isang nanalo ng Fields Medal, tatlong Pangulo ng Pransiya at maraming mga CEO ng mga kumpanyang pandaigdigan at Prases.

Ang Polytechnique ang naging inspirasyon ng mga iba pang kilalang paaralang "politekniko," gaya ng Caltech (unang isang bokasyonal na paaralan na may pangalang Throop "Polytechnic" Institute).

Mga sanggunian

48°42′45″N 2°12′36″E / 48.7125°N 2.21°E / 48.7125; 2.21 Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.